18

May 23, 2020 @ 15:13
By

Sa iba na lumapit! DOLE ubos na ang P3B na cash aid

Nilahad ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang bilang ng mga natulungan na ng kanilang kagawaran na mga empleyadong apektado ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa DOLE secretary, nasa 660,000 na empleyado na ang kanilang nabahagian ng P5,000 mula sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

“Now nabigyan na namin ang almost 660,000 formal employeers na P5,000 cash assistance. Ang nabayad namin diyan is P3 billion. Hanggang doon na lamang po ang aming pondo,” ayon kay Bello.

Nanawagan ang DOLE na sa small business subsidy program na ng Department of Finance humingi ng tulong ang iba dahil ubos na ang kanilang pondo para sa cash assistance.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?