598
Sa Finals na sana! Arwind umiiwas sa Ginebra
By

Sa Finals na sana! Arwind umiiwas sa Ginebra

Malapit na ang pagtatapos ng eliminations sa 2019 PBA Commissioner’s Cup, at hiling ni San Miguel forward Arwind Santos ay hindi muna makaharap ang Ginebra sa quarterfinals.

Ayon sa wingman, sinegundahan nito ang naging pahayag ni Ginebra coach Tim Cone na mag-iwasan muna sa isa’t isa sa unang round ng playoffs.

“Kami rin ayaw din namin silang makaharap, e. Balance lang,” ayon kay Santos, na nag-aaverage ng 7.13 points, 3.63 rebounds at 1.25 assists kada laro.

Sa standings, posibleng magkaharap ang Ginebra at San Miguel, nasa 4th spot ang bataan ni Cone sa 6-4 record, samantalang 4-5 naman ang kartada ng San Miguel, sapat para sa 7th place.

Sana raw, ayon kay Santos, ay sa Finals na magkaharap ang dalawa para sa duwelo ng dalawang powerhouse team.

“Hangga’t maaari, kung maghaharap kami sana sa finals na,” pakli pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?