54

Jun 29, 2020 @ 16:10
By

Ryan Reynolds sinira X-Men reunion

Hindi nakatakas si Hugh Jackman sa pambubuwisit ni Ryan Reynolds.

Ito’y matapos na sirain ni Reynolds ang reunion ng original cast ng ‘X-Men’ para sa “Global Citizen: Unite For Our Future” benefit concert.

Sa virtual conference, unang nakita si Jackman kasama sina Halle Berry na gumanap na Storm, Patrick Stewart bilang Professor X at Famke Janssen na naging Jean Grey.

Biglang may pumasok na tawag at dito na tumambad si Reynolds, na nakasama naman ni Jackman sa ‘X-Men Origins: Wolverine’, bilang Wade Wilson o mas kilala bilang ‘Deadpool’.

“Ryan, the cast and I were all just reminiscing about the movie that we’re in together,” giit ni ‘Wolverine’ dahil di kasama sa original cast si Reynolds.

Ngunit sinabi ni Reynolds na nag-imbita siya ng mga gumanap din sa X-Men at lumabas sina Sophie Turner bilang batang Jean Grey at James McAvoy na naging batang Professor X.

Matapos makita si Reynolds ng ibang X-Men cast ay bigla itong nawala sa screen, hanggang sila na lang ni ‘Logan’ ang natira.

“Guess it’s just you and me Logan,” pang-iinis ni Reynolds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?