47

By

Russia pinatawan ng 4-year ban sa lahat ng sporting events

Pinatawan ng apat na taong ban sa lahat ng major sporting events ng World Anti-Doping Agency (WADA) ang Russia.

Ibig sabihin, hindi makakasali ang Russia sa mga event gaya ng Tokyo 2020 Olympics at Paralympics maging sa 2022 World Cup sa Qatar.

Maaari namang makasali ang mga atleta ng Russia kung mapapatunayang malinis sila sa doping scandal basta sila ay lalaban gamit ang neutral flag.

Pinalagan naman ni Russian Prime Minister Dmitry Medvedev ang ban at sinabing parte ito ng “chronic anti-Russian hysteria”.

Ang ban ay matapos ideklara na non-compliant ang Anti Doping Agency ng Russia dahil sa pagmanipula ng laboratory data na ibinigay sa mga imbestigador noong Enero 2019.

Kinailangan ng Russia na magbigay ng naturang data sa WADA bilang kondisyon sa controversial reinstatement nito noong 2018 matapos ang tatlong taon na suspensyon sa kanila dahil sa malawakang state-sponsored doping scandal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?