54

By

Rule natalo dahil naggupit ng kuko

Gold na sana ang makakampay ni Fil-Am swimmer Remedy Rule sa women’s 200-meter butterfly event ng swimming competition sa 30th Southeast Asian Games kung hindi lang ito naggupit ng kuko.

Ito ang pabirong dahilan ni Rule matapos magkasya lang sa silver medal matapos umoras ng 2:10.99 at magtala ng bagong national record.

“I shouldn’t have cut my finger nails the other day,” biro ni Rule matapos ang awarding ceremony.

Nasungkit naman ni Singaporean tanker Jing Wen Quah ang gintong medalya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?