103

By

Rufa Mae Quinto, pamilya stranded sa Hong Kong airport

Stranded si Rufa Mae Quinto at kanyang pamilya sa isang airport sa Hong Kong matapos ikansela ang flight nila dahil sa pagputok ng Taal Volcano sa Batangas noong Linggo, Enero 12.

Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Rufa Mae na nagkakagulo sa airport at kinailangan nilang maghintay nang matagal.

“Kami naman dito sa Hongkong airport, stranded… na cancel ang flight naming mag-ina at family. Ang tagal namin sa airport nag wait and also, kagulo. Hinde sure when uuwi, I was not feeling well, and was hungry, basta I prayed for Taal volcano eruption, sana walang masaktan. Kaya ako, simple na lang, ang important safe kaming family,” post ni Rufa Mae.

Nagpunta sa Hong Kong ang komedyana para maki-join sa bachelorette party ni Sarah Lahbati.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?