331

May 21, 2020 @ 16:51
By

Ruby Rodriguez sinugod sa ospital

Itinakbo sa ospital noong May 20 si Ruby Rodriguez.

Sa kanyang Istagram Stories ay ipinost ng TV host ang kamay niya habang naka-dextrose matapos siya dalhin sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan.

Nagpahayag ng kalungkutan sa nangyari ang panganay ni Ruby na si Toni Aquino dahil wala siya sa tabi ng kanyang ina.

Kasalukuyan kasing nasa California, USA si Toni, sabi sa report ng GMA.

“I spent 20 mins crying because I felt guilty about not being by my moms side,” sabi ni Toni sa Instagram.

Siniguro naman ni Ruby sa kanyang anak na naka-confine na ito at binibigyan siya ng antibiotics kaya wala na itong dapat ipag-alala pa.

Sa latest IG post ni Ruby, naka-confine siya sa Manila Doctors Hospital kung saan nag-share siya ng litrato habang nasa “relaxing view” ng kanyang kuwarto sa ospital.

View this post on Instagram

At least relaxing view of my room at the hospital #stomachpain #npo

A post shared by Ruby Rodriguez (@rodriguezruby) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?