309

By

RTL pahirap imbes na tulong sa mga magsasaka! – Farmers’ coop

“Hindi makatao.”

Ito ang tawag ng mga magsasaka sa Cagayan kay Senator Cynthia Villar dahil sa sinulong nitong Rice Tarrification Law (RTL).

Binigyan-diin ni Engr. Reymund Calagan, miyembro ng farmers’ cooperative, na imbes na makatulong sa kanila ang nasabing batas ay lalo silang nalulugmok dahil sa mababang presyo ng palay dulot ng batas.

Dahil dito, umapela na ng tulong si Calagan sa National Food Authority na dagdagan ang kanilang buying capacity para makabili ng sariwang palay.

Nanawagan din si Calagan sa Department of Agriculture na magbigay ng subsidyo para sa kanilang farm inputs at mechanical dryer na kanilang magagamit ngayong tag-ulan.

Paliwanag ng inhinyero, hindi naman nila maaaring tanggihan ang mga sariwa at spotted na palay mula sa mga miyembro ng kanilang kooperatiba dahil wala umano silang pambayad ng utang.

Sinabi ni Calagan na kung patuloy ang ganitong sitwasyon ay mawawalan na rin sila ng pambayad sa kanilang utang sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?