479

By

Roxas sa Ombudsman: Bakit ang sumulat ng IRR ang pinupuntirya ninyo?

Halata umano na gusto lang ibaling sa iba ang ginagawang imbestigasyon sa anomalya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law, ayon kay dating senador Mar Roxas.

Ito ang reaksyon ni Roxas matapos siyang pagpaliwanagin at si Senadora Leila de Lima ni Ombudsman Samuel Martires kung bakit nabigo ang mga ito na huwag maisama sa mga benepisyaryo ng GCTA ang mga nahatulan sa heinous crimes.

Sina Roxas at De Lima umano ang siyang nagsulat ng Implementing Rules and Regulations (IRR) sa GCTA pero hindi naestsapuwera rito ang mga heinous crimes convict.

Sa kanyang series of tweets, sinabi ni Roxas na bakit ang sumulat ng IRR ang pinupuntirya ng Ombudsman sa halip na ang mga opisyal na nag-apruba ng release ng mga kriminal, miyembro ng komite na nag-approve ng release kahit hindi sinunod ang kanilang operations manual, at mga taong nagbigay ng credits for “good conduct”.

Dagdag pa niya, ang nilalaman ng IRR ay nakakuwadro sa batas na hindi puwedeng humigit sa RA 10592.

“May batas na pinasa, di ba? Ang nilalaman ng IRR ay nakakuwadro sa batas, hindi puwedeng humigit sa RA 10592. Bakit ang mga sumulat ng IRR ang pinupuntirya ninyo?” isa sa tweet ni Roxas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?