143

By

Roxas binuska ni Duterte: Laging naiihi sa debate

Ibinuking ni Pangulong Rodrigo Duterte na ninerbiyos si dating presidential candidate Mar Roxas nang magdebate sila sa Cebu.

Ayon sa Pangulo, sampung beses na pabalik-balik sa comfort room si Roxas at pinasundan pa niya ito sa kanyang bodyguard.

Akala aniya ng mga tao ay kalmado lang ang kanyang dating nakatunggali at pa-English English pa pero ang totoo ayon sa Pangulo ay todo ang kaba ng karibal sa eleksyon.

“Mar Roxas…noong nagdebate kami sa Cebu akala mo kalma lang siya na tao, pa-English English pa ang buang pero sampung beses pumunta sa… pinasundan ko sa pulis… ang ihi niya… ninenerbiyos siya, totoo,” anang Pangulo.

Biro pa ni Pangulong Duterte, papatak-patak lang ang ihi ng dating katunggali at normal na ito sa mga matatanda.

Nakasabay din aniya nitong nag-CR minsan si Roxas at binati siya sabay abot sa kanyang kamay pero hindi nito inabot dahil katatapos lang nitong umihi.

Sinabi pa ng Presidente na wala siyang bilib sa dating opisyal dahil wala aniyang loyalty at walang prinsipyo at palipat-lipat lang sa mga nagdaang administrasyon.

“Itong si Roxas, its not because you are a namesake of Roxas ay mahusay ka. Itong taong ito walang loyalty ito, panahon ni Arroyo nandiyan na ‘yan, panahon ni Aquino nandoon siya. Wala ito, pretends to be a man. Tao na walang prinsipyo wala talaga, you are nothing to me,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?