83

By

Roxas, Aquino mga biktima ng fake news – Gutoc

Dinepensahan ni Otso Diretso Senate candidate Samira Gutoc sina dating senador Mar Roxas at dating Pangulong Noynoy Aquino hinggil sa kinasasangkutan ng mga itong isyu.

Ani Gutoc, kalimitang mga biktima ng “fake news” ang dalawa.

“The two are victims of a fake news phenomenon… The Yolanda funds you always question that to PNoy (Aquino), you also ask Marawi funds where is it right now?” saad ni Gutoc.

Sa kabila umano nito, patuloy silang magsasalita hinggil sa maiinit na isyu kahit ano pa ang maging epekto nito sa kanilang tsansa na manalo.

Dagdag pa niya, tungkulin nilang oposisyon na pag-aralan at tuligsahin ang anumang isyu.

Itinanggi naman ni Erin Tañada ang akusasyon na lagi silang nakakontra dahil sa administrasyong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?