140

Mar 23, 2020 @ 18:49
By

Roxanne singer na, marunong pa mamalantsa

Nakaka-relax at talagang sweet vibes ang hatid ng pag-awit ni Roxanne Barcelo sa kanyang Instagram post, habang busy ito sa pagpa-plantsa ng damit.

“Painter Song. Sa umaga dispatsadora, sa gabi siya’y plantsadora… #ironlady #asaresponsiblegirl ” caption ng aktres.

Napasaya nga ni Roxanne ang mga followers na ang iba humirit pa ng kanta sa kanya. Ilan sa kanilang komento:

“I love the sound of your voice ms. Barcelo”

“Soothing voice indeed”

Napahanga rin niya ang mga fan dahil marunong pala itong mamalantsa.

“Bravo Lodi marunong ka pala”

“Maganda, sexy, matalino, talented at domesticated pa … saan ka pa?!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?