323

By

Ross dumepensa: Hindi ako tinawag na ‘nigger’ ni Guiao

Naasar si Chris Ross sa mga nagkakabit sa kanyang pangalan matapos ang racial gesture ng kanyang kakamping si Arwind Santos.

Umangat muli ang isyu ng pagtawag umano kay Ross na ‘nigger’ ni Coach Yeng Guiao noon, na pinabulaanan na ng ngayong Gilas mentor.

Sumegunda naman si Ross, kinumpirma na hindi naman talaga siya ininsulto noon ni Guiao.

“First of all I never said Coach Yeng called me that. That never came out of my mouth. Get your facts straight,” sagot ni Ross sa isang netizen.

Hindi rin umano dapat siyang gamitin para lang makahakot ang ilang netizen ng likes at tweet.

“You don’t know what I was called on the court. Stop putting false information out there for likes and retweets. And how do you know what’s worse?” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?