44

By

Rosendo Balinas Chess, skateboarding tatalakayin sa TOPS ‘Usapang Sports’

Tampok sa Huwebes sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ang skateboarding at chess sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Pag-uusapan sa balitaktakan ang preparasyon ng skateboarding para sa nalalapit na Southeast Asian Games dito sa basa pati na rin ang staging ng GM Rosendo Balinas Memorial Executive Chess Championship.

Dadalo sa okasyon sina Asian Games veteran Enzo Mark Feliciano at Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines, Inc. president Monty Mendigoria upang magbigay pasilip sa kanilang paghahanda sa biennial regional meet sa 10am sports forum na mapapanood nang live sa Facebook via Glitter Livestream na iniisponsoran Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Tatalakayin naman ni Engr. Tony Balinas, kapatid ng namayapang si GM Rosendo Balinas, kasama si Philippine Executives Chess Association (PECA) president Dr. Jenny Mayor ang mga dapat abangan sa Balinas Memorial na nakatakda ganapin sa June 22 sa Alphaland Mall sa Makati City.

Ang nasabing okayson ay parte ng 78th birth at 21st death anniversary ni Balinas, ang ikalawang Pinoy Grandmaster sa Odessa, Russia noong 1976.

Full pack naman ang ika 25 na edisyon na ito ng sports forum dahil papangaralan din sa araw na iyon si Darwin Lunor ng Caloocan-St. Clare College bilang CBA “Player of the Month” sa pagbitbit nito sa Saints sa North final ng CBA Founder’s Cup sa kanilang win game kontra Bulacan Heroes.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight lahat ng opisyales at miyembro ng TOPS pati na rin ang mga kaibigan sa sports community na dumalo sa okayson.

Ang TOPS ay binubuo ng mga editors, reporters, columnists at photographers ng pinaka-kilalalang national tabloids.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?