38

By

Rose muling naglaro sa Chicago, ‘MVP!’ sigaw ng mga fan

Kahit natalo ang Chicago Bulls, tila hindi ito ininda ng community dahil sa muling paglalaro sa kanilang arena ng itinuturing na hometown prodigy na si Derrick Rose.

Wagi ang kasalukuyang koponan ni Rose na Minnesota Timberwolves, 119-94, at isa si Rose sa naging dahilan ng kanilang pagkapanalo.

Nag-ambag si Rose ng 24 puntos at walong assists para mapatumba ang dating koponan, naglaro sa Bulls noong 2008 at naging MVP noong 2011.

Katuwang naman niya si Karl-Anthony Towns na mag tig-20 puntos at rebound.

Hindi nakaalagwa ang Bulls, tambak agad ng 23 puntos, 60-37 sa half time.

Sa 4th quarter, nagsigawan ang madla ng MVP matapos ang impresibong performance ni Rose.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?