129

By

Rosanna Roces pinaluwa ng P3.1M sa Flawless

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang kanilang desisyon na pagbayarin ng danyos si Rosanna Roces sa beauty company na Flawless dahil sa ‘di pagsunod sa kontrata.

Sa inilabas na resolusyon ng dating Eleventh Division ng CA, hindi kinatigan ng ahensya ang motion for reconsideration ni Roces na hiniling na huwag pagbayarin para sa mga damage na naibigay sa Forever Flawless Face and Body Center, Inc.

Wala umanong naipakitang matibay na argument si si Rosanna para baliktarin ang desisyon ng CA, dahilan para ituloy ang pagbabayad ng dating sexy actress ng P3.1 million.

“Accordingly, the instant motion for reconsideration is denied for lack of merit,” saad sa resolusyon na nilagdaan nina Associate Justice Ramon Bato Jr., Ramon Cruz at Pablito Perez.

“Thus, we find no cogent or compelling reason to alter, modify or reverse the said decision,” dagdag pa.

Matatandaan na noon pang Hunyo nang nakaraang taon nailabas ang desisyon kontra kay Rosanna, pinagbabayad ng P3 million para sa tatlong insidente ng breach of contract at P100,000 para sa legal fees.

Nag-ugat ang nasabing kaso matapos sabihin ni Roces noong 2010 sa telebisyon na si Dr. Vicky Belo ay isang lamang aerobic instructor at tila siniraan pa ang Forever Flawless ng sinabi na may mga kliyente umano ang beauty company na nagkaroon ng sunog na mukha at iba pang patama.

Si Roces ay dating stockholder para sa nasabing beauty service, ibinenta ang kanyang share noong 2003 at parte ng deed of sale ang kasunduan na hindi sisiraan ng sexy star ang Flawless, at sakaling malabag ito ay magbabayad ito ng P1 million kada violation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?