58

Feb 16, 2020 @ 20:56
By

Ronnie Liang lieutenant na sa Army

Isa pang accomplishment ang natamo ni Ronnie Liang na ngayon ang second lieutenant na para sa Philippine Army.

Ito’y nang matapos niya ang training sa Armor ‘Pambato’ Division noong nakaraang February 14.

Kanyang tinanggap ang black beret mula kay AD commander Major General Robert Dauz.

“Four a.m. pa lang, gumigising na. Super strict sa time and kilos, dapat talagang mabilis ka,” ayon sa singer.

“From eating your food to taking a bath, sobrang ma-physical noong training. But at the end of the day, iisipin mo na malaki ang maitutulong noon sa character mo and pagmamahal sa bayan,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?