36

By

Rondina pinanatili sa tuktok ang Petron

Hindi pa rin nagpatinag ang Petron Blaze Spikers matapos talunin ang Foton Tornadoes Blue Energy sa 5th set sa 7th Philippine Super Liga sa #CDOSpikeOnTour nila na ginanap sa Corpus Christi Gym, Cagayan De Oro.

Sulit naman para sa mga taga-Cagayan De Oro ang laro dahil sa ipinakitang dikdikan na laro na umabot sa 5th set, 23-25, 26-24, 26-24, 22-25, 17-19.

Kinayod ng Petron ang 1st set kahit na nalamangan sila ng Foton dahil sa mga serve ni Jaja Santiago.

Hindi naman naging madali ito sa Petron ng tapatin nila ang bagsik ng magkapatid na Santiago nang isalba ang laro matapos piliting kunin ang Set 2 sa pamamagitan ng deuce.

Kargado ng Petron ang former captain ng UST na si Sisi Rondina matapos gumawa ng mga clutch spikes sa finals set ng laro.

Ang pagkapanalo naman ng Petron ay nagbibigay ng kanilang pananatili sa number 1 spot ng torneo na may 13-1 win-loss record habang ang mapait naman na talo ng Foton ay magdadala sa kanila sa 7-6 record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?