54
Rondina hayop sa bagsik, napiling Player of the Week
By

Rondina hayop sa bagsik, napiling Player of the Week

Hayop talaga sa galing si veteran open spiker Cherry Ann Rondina nang giyahan ang University of Santo Tomas Golden Tigresses sa ikatlong pwesto sa standings (9-4) ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

Humataw ng 20 points ang graduating skipper kontra UP Lady Maroons kasama ang 15 excellent digs at walong receptions para walisin ang koponan 25-21, 25-12, 26-24 noong Abril 10.

Sa huli nito laban noong Abril 14, hataw naman ito ng 20 markers kontra sa FEU Lady Tamaraws tungo sa 25-23, 25-18, 25-23 panalo ng UST.

Dahil dito, lumakas ang tsansa ng España-based squad para sa isa sa dalawang twice-to-beat bonus papasok sa semifinals sapat para mahirang siyang Player of the Week.

“Sabi ko nga na nangangarap akong umabot sa championship, lagi kong ire-remind sa kanila ‘yun,” wika ni Rondina.

“Gagawin ko ang mga kailangang gawin para ipakita na gusto kong maglaro para sa UST, mag-payoff ang mga paghihirap namin and kailangan kong lagyan ng actions ‘yan. ‘Yun lang ang gagawin ko.”

Huling makakalaban ng Golden Tigresses ang NU Lady Bulldogs sa Abril 27 sa papatapos ng second round eliminations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?