289

By

Romeo may unli-samgyupsal resto na!

Bukod sa pagbabasketball, may bago nang pagkakaabalahan ang San Miguel guard na si Terrence Romeo.

Sa kanyang social media, inanunsyo ni ‘The Bro’ ang pagbubukas ng kanyang restaurant na ‘Romeo’s Unli Grill’.

“Coming soon guys! Magkikita tayo sa grand opening on September 8 at the Ayala Cloverleaf Mall. Good food, good place at good price for friends and family. Kitakits!” ayon sa tweet ni Romeo.

Maraming mga fan naman ni Romeo ang nagpakita ng suporta sa manlalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?