43

By

Rollback sa produktong petrolyo tuloy sa Martes

Nakatakdang magpatupad ang ilang kompanya ng langis ng rollback sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo sa Martes.

Base sa abiso ng Petron, nasa P0.30 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina, P0.10 sa diesel habang P0.30 naman sa kerosene o gaas.

Sa Shell, nasa P0.40 ang tapyas sa kada litro ng gasolina at P0.40 rin sa kada litro ng gaas.

Samantala, nagpatupad naman ng maagang bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo ang kompanyang Clean Fuel.

Bawas nang P0.40 sentimos kada litro sa kanilang gasolina, habang P0.10 sentimos naman sa kada litro ng kanilang diesel.

Epektibo sa Martes, alas-6:00 ng umaga, ang pagbabawas sa presyo ng mga kompanya ng langis sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?