25

By

Rockets iyak sa tres ni Bjelica

Bumitaw si Nemanja Bjelica ng 3-pointer sa buzzer at tinakasan ng Sacramento Kings ang Houston Rockets 119-118 Lunes ng gabi.

Binasag ng drive ni Russell Westbrook ang huling deadlock sa 116 katiting na 1 second na lang sa orasan.

Tumawag ng time si Sacramento coach Luke Walton para idisenyo ang play.

Binigay ni Cory Joseph ang inbound kay Bjelica sabay bitaw. Swish!

Puro net ang tinamaan ng bola, nagsuguran sa court ang buong bench.

“Great pass by Cory and I was open and went deep because I felt good at that range,” anang 6-foot-10 forward. “And I just took a shot and it went in.”

Nagsumite si Buddy Hield ng 26 points para pangunahan ang anim na Kings na umiskor ng double digits.

Tumapos ng season-high 34 points si Westbrook, nagdagdag ng 27 points at 10 assists si James Harden sa Rockets.

Magkabuhol pa sa fourth nang subuan ni Westbrook si Ben McLemore na bumitaw din ng 3 tungo sa 116-113 Houston lead 22.7 seconds pa.

Mintis ang 3 ni Hield sa kabila pero hinablot ni Bogdan Bogdanovic ang rebound, ibinalik kay Hield na hindi na nagmintis sa ikalawang pagkakataon para itabla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?