9
james-harden

Rockets, 3-1 na kontra Wolves

May ambag na 22 points si James Harden sa 50 points ng Rockets sa third quarter para isagwan sa panalo ang Houston laban sa Minnesota Timberwolves, 119-100, nitong Lunes (Martes sa Pinas).

Bunga nito naitarak ng Houston ang 3-1 lead sa first-round playoff series at isang hakbang na lang para sa semifinals.

Pinalobo ng Rockets ang isang puntos na kalamangan sa halftime, 50-49, tungo sa 31 puntos na bentahe.

Sila ang kauna-unahang koponan sa kasaysayan ng NBA playoffs na may mataas na puntos na naitala sa isang quarter.

Balik sa Houston ang Game Five sa Miyerkoles (Huwebes sa Pinas).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?