100

Robredo: Walang dapat ikatakot sa manual recount

Tiniyak ni Vice President Leni Robredo sa kanyang mga tagasuporta na walang dapat ikatakot sa mano-manong pagbilang ng mga balota dahil magpapatunay ito na siya ang nanalo sa 2016 national elections.

“Sinasabi natin na we’re lifting everything [up] to the Lord. Walang dapat ikatakot, walang dapat ikahina ng loob,” pahayag ni Robredo sa isang statment.

“To all supporters and our friends who are here today, pinapasabi din (ito) ng ating lawyers: Wala tayong dapat ikatakot kasi katotohanan iyong ating pinaglalaban,” dagdag pa nito.

Sisimulan na ngayong araw ng Korte Suprema, umuupong Presidential Electoral Tribunal, ang manula recount ng mga balota mula sa 5,000 clustered precints.

Ang protesta ay inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pumangalawa noong 2016 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?