2,016

By

Robredo sumagot sa fake news na pagbibitiw niya

Itinanggi ni Vice President Leni Robredo na magre-resign siya sakaling walang makapasok na mga kandidato ng Otso Diretso sa “Magic 12”.

Sa isang Facebook post makikita ang sinabi umano ni Robredo na, “If no one among the Otso Diretso will win the election, I will step down as Vice President.”

Ibinahagi ito ni Robredo sa kaniyang Twitter at sinabing hindi ito totoo.

“Not true. Let’s continue fighting disinformation. Report peddlers of fake news,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?