246

By

Robredo nakisakay na sa #LeniLugaw

Kinatuwa ng mga tagasuporta na imbes na mapikon sa tawag sa kanyang “Leni Lugaw” si Vice President Leni Robredo ay pinangatawanan na ito ng Pangalawang Pangulo.

Sa Twitter post nitong Martes nagpameryenda ang Bise Presidente sa mga taga-Batangas matapos niyang mamahagi ng relief goods.

Ang pameryenda niya ay espesyal na lugaw at pandesal na nilagyan niya ng hashtag na #LugawLeni.

Pinakita pa ng Bise Presidente ang nakasulat sa papel na “Lugaw Leni” na siya raw espesyal na sine-serve niya sa mga residente ng Tuy, Batangas.

Ang “Leni Lugaw” ay tawag ng mga basher kay Robredo.

Nakahakot ito ng positibong komento.

“Kapag binato ka ng bato gawin mong stepping stone. Classic example! Nice madam very nice,” comment ni @MYKropore.


“#LeniLugaw is the perfect example of turning something evil into something good. From now on, when I hear or read Leni lugaw, I will be reminded of all things positive that resulted from the VP’s relief ops instead of it being an insult endlessly hurled at her by trolls,” reaksyon naman ni @jillyness.

“Lumalaban at lalong lumulupit #LeniLugaw,” saad ni @EngrAdriano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?