339

By

Robredo magkakaproblema lang ‘pag tinanggap ang offer ni Duterte – VP Leni spokesman

Hindi naniniwala ang kampo ni Vice President Leni Robredo na seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtalaga sa kanya bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Saad ng spokesperson ni VP Leni na si Atty. Barry Rodriguez, handa naman si Robredo na ayusin ang war on drugs ng administrasyon ngunit dapat ay klaro ang direksyon na pupuntahan nito.

“Si VP ay seryoso na kailangan itong ayusin . . . Bukas siya ay magbibigay ng isang pahayag tungkol sa usapin ng drug war, kung ano ang tingin nyang direksyon na dapat puntahan nito,” saad ni Gutierrez.

Hindi pa raw kasi nakalagay sa formal offer kay Robredo ang kanyang mga duty at responsibility sakaling tanggapin ang pwesto.

“Pag-amin ito na may pagkukulang ang drug war. Pero kapag tinignan niyo ang letter, walang laman. Problematic iyong offer in the sense na hindi clear anong powers siya magiging responsible,” aniya pa.

Sa ilalim din ng Executive Order 15, kung saan nalikha ang ICAD, wala ring nakasulat dito tungkol sa posisyon bilang co-chair ng ahensiya.

“Very clear na yung co-chair under the EO itself hindi nag-eexist yung position.”

Iba rin umano ang pangako ni Duterte kay Robredo, dahil hindi naman pagiging ‘drug czar’ ang binigay dito dahil kailangang makipaghatian ng kapangyarihan sa pagdedesisyon kay Philippine Drug Enforcement Agency head Aaron Aquino, na matatandaang hindi bilib sa Bise Presidente pagdating sa pamamalakad sa war on drugs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?