86
Robredo hindi pa iimbitahan sa Cabinet meeting – Go
By

Robredo hindi pa iimbitahan sa Cabinet meeting – Go

Wala pa umanong planong imbitahan si Vice President Leni Robredo na dumalo sa susunod na mga Cabinet meeting sa Malacañang, ayon kay dating presidential aide at ngayo’y Senador Bong Go.

“Hindi pa sila nag-usap ng Pangulo at sa gabinete, wala pa akong naririnig. I’m not authorized to speak on behalf of the executive pero sa pagkakaalam ko, wala pang plano (na imbitahan siya). Maybe kapag pag-uusapan na ang droga,” pahayag ni Go.

Naunang sinabi ni Robredo na hindi siya dadalo sa mga Cabinet meeting maliban na lang kung iimbitahan siya ng Duterte administration.

Samantala, suportado naman ni Go ang hirit ni Robredo na karagdagang pondo para sa anti-illegal drug campain.

“Ako, as a legislator, sabi ko full support ako kung ano ang makatutulong. Basta ang hangarin ay masugpo ang droga,” sambit pa nito.

Umaasa rin itong maaprubahan ang 2020 budget bago magtapos ang taong ito para hindi umano makapag-operate ng reenacted budget.

“Bago matapos ang taon, signing na dapat with the President. Ayaw na namin mangyari katulad last year. Mahirap ang reenacted budget. Laki ng losses sa gobyerno. Billions ang nawawala kapag reenacted,” ani Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?