76

By

Robredo dapat mag-ingat kahit sa mga pulis – Lacson

Ibang mundo na ang pinasok ni Vice President Leni Robredo, at walang mas bagay na magpayo sa kanya kundi ang dating Philippine National Police chief at ngayo’y senador na si Panfilo Lacson.

Bilang co-chair ng anti-illegal drug committee, binalaan ni Lacson si Robredo na dapat lagi itong mag-ingat sa mga nakakasalamuha, kahit sa mga pulis.

“Ang napasukan niya siyempre maraming character, especially yung mga pulis. Naku, sari-saring character yan. Medyo ano lang she should really watch her back all the time,” ayon sa mambabatas.

Payo pa ni Lacson kay Robredo na mamili ito ng mapagkakatiwalaan at kung maaari ay magtanim ng kanyang mga sariling tao sa kumite para masiguro ang kanyang kaligtasan.

“Ang isa-suggest ko lang, she should develop her own…people who could be trusted and it intels a lot of study…in the performance of her duty. Makita niya lang kung sino yung mga credible at saka mga trustworthy dun sa mga tao,” saad ni Lacson.

“Mag-develop na lang siya ng sarili niya within the law enforcement na pwedeng magsagawa or kaya mag-provide ng mga intelligence information sa kanya o mag-observe kung ano yung mga kamalian dun sa mga naliligaw na landas na pulis.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?