107

By

Robredo: Body cameras kailangan sa anti-drug ops

Kinakailangan ang paggamit ng mga body camera sa mga anti-drug operation para sa proteksyon hindi lang ng mga operatiba kundi maging ng taumbayan, ayon sa bagong talagang anti-drug czar na si Vice President Leni Robredo.

Ang body cameras aniya ay magagamit na panangga ng mga pulis mula sa mga walang basehan na kaso at harassment charges.

“Indispensable iyong body cams for many reasons. Iyong pinakauna, proteksyon iyon sa law enforcement agents,” wika ni Robredo.

“Proteksyon iyon kasi ang iba naman sa kanila nakakasuhan nang walang basehan,” dagdag pa niya.

Proteksyon din umano ito sa mga tao para makita ang tunay na nangyari sa operasyon.

“Mas lalong proteksyon sa mga tao, para kung ano talagang tunay na nangyari sa operasyon. Pero kung may body cams, mas magiging—iyong integrity ng operasyon, ma—ano ito—mape-preserve,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?