145

By

Robles, NU pininsala ang UP

Naglagablab sa depensa si Jennifer Nierva habang sa opensa sina Princess Anne Robles at Ivy Keith Lacsina nang ‘di sukat akalaing magutay pa ng National University Lady Bulldogs ang University of the Philippines Lady Fighting Maroons, 25-17, 14-25, 17-25, 25-23, 17-15, sa Season 81 UAAP women’s indoor volleyball tournament 1st round elims Miyerkoles ng gabi sa The Arena, San Juan.

Hinirang na best player of the game si libero Nierva na kumayod ng 29 excellent receptions at 26 excellent digs, sumakmal naman ng 17 points si Robles at bakas ng 16 markers si Lacsina sa pag-angat ng Bustillos-based squad sa 2-4 at haltak sa mga baibolista ng Diliman sa 3-3.

“Sa amin naman, every match, lagi ko po ini-instill sa kanila ’yung principle lang ng enjoy the game, ’yung nothing to lose, ’yung enjoy pero hindi ma-compromise ’yung focus, and always mag-smile,” giit ni winning coach Norman Miguel.

Nakabalikwas pa ang L’Bulldogs sa marathon set sa kabila na naiwan sa 1-2 tapos ng three frames at 10-14 sa decider para sumampa sa ikalimang puwesto sa team standings at pasadsarin ang Peyups sa ikalima.

Tinapos ni Gelina Luceño ang laban sa isang kill block para ibangon ang mga aso sa huling pag-amo sa University of Santo Tomas Golden Tigresses at iputong sa State U ang kambal na tilapon sa walong eskuwelahang liga.

“Yung pinaka-ano samin talaga, no-pressure at all, walang pressure sa game,” panapos ni Miguel, na league leader Ateneo de Manila University Lady Eagles ang kahampasan sa Sabado, Marso 16 sa parehas na venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?