850

Feb 19, 2020 @ 19:04
By

Robin to the rescue kay Bato: ‘Siya si Cardo Dalisay’

Pinagtanggol ni Robin Padilla si Senador Ronald “Bato” dela Rosa matapos patutsadahan ni MOR 101.9 DJ Chacha nang sabihin ng mambabatas na handa siyang mamatay para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay DJ Chacha, dapat ay magbitiw na bilang senador si Dela Rosa at maging bodyguard na lang ng Pangulo dahil ang loyalty naman umano nito ay nasa Pangulo.

“I suggest mag-resign na dapat si Senator Bato sa pagiging senador at mag-apply na bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan,” tweet ni DJ Chacha.

Sa kanyang Instagram post sinabi ni Robin na hindi dapat kalimutan ang mga nagawa ni Dela Rosa bilang dating pulis na handang isakripisyo ang sarili at pamilya para sa taumbayan.

Itinulad pa nito si Dela Rosa sa sikat na probinsyanong pulis na si Cardo Dalisay, na ginagampanan ni Coco Martin sa TV series.

“I know the man i portrayed him it was an honor portraying a war hero, he was the real probinsiyano policeman he is cardo flesh and blood not only in the jungles of our deep provinces but in the jungles of our streets,” sabi sa post ni Robin.

“Marahil isa na siyang politiko ngayon kayat maari na siyang personalin sa mga tira, banat at pasaring na mga salita katulad din ng mga ipinupukol kay living hero Senator Manny Pacquiao, hindi naman manipis ang mga yan pero wag naman for the sake of their service, wag natin po kalimutan ang mga kabayanihan ng mga taong ito literally they made the pilipino spirit live in the hearts of our countrymen,” dagdag pa niya.

View this post on Instagram

I know the MAN i portrayed him it was an honor portraying a War Hero He was the real probinsiyano policeman he is cardo Flesh and Blood not only in the jungles of our deep provinces but in the jungles of our streets. Marahil isa na siyang politiko ngayon kayat maari na siyang personalin sa mga tira, banat at pasarin na mga salita katulad din ng mga ipinupukol kay living hero Senator Manny Pacquiao hindi naman manipis ang mga yan pero wag naman for the sake of their service wag natin po kalimutan ang mga kabayanihan ng mga taong ito literally they made the pilipino spirit live in the hearts of our countrymen especially to our soldiers and policemen who are on call in giving their life and sacrificing their most precious families. The Man is the meaning of duty to the country and loyalty to the Flag whatever he is accused now and presently undergoing sanction from a foreign government we should be on his side how can we talk about freedom when senators from another country are exerting their sovereignty on us.

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?