855

Feb 15, 2020 @ 21:41
By

Robin rumesbak sa ABS-CBN exec

Bumuwelta si Robin Padilla sa pahayag ng isang ABS-CBN production executive tungkol sa post niya sa working conditions ng mga talent ng TV network.

Ayon kay ABS-CBN production executive Ethel Manaloto-Espiritu, noong nagtrabaho raw ang aktor nang matagal na panahon sa Kapamilya network, sana raw ay ipinaglaban nito kung may napansin na pala siyang mali sa pamamalakad ng network.

Dagdag pa ni Espiritu, paglilihis daw sa kinakaharap na isyu ng ABS-CBN ang sinasabi ng aktor.

Pero ayon kay Robin, nailahad na niya noon ang patungkol sa working conditions ng non-regular employees ng ABS-CBN kay Gina Lopez, na anak ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio Lopez.

Maging ang housing para sa mga non-regular employee ay sinabi rin niya.

Binanggit din ni Robin ang isa pang ABS-CBN employee na si Rocky Ubana,

“At sayo mam rocky Ubana batid ba ng mga boss mo sa abscbn na ikaw mismo sa panahon ko ay sub contractor ng tent? Magkano ang sueldo mo sa tao? Minimum ba? May overtime ba? Registrado ba yun agency mo? Alam ba ng Dole na may mga laborer ka na nagpupuyat at walang working hours? Ano ang mga benepisyo?” aniya.

Dagdag pa ni Robin, malaki ang pasasalamat niya sa ABS-CBN pero ang tunay daw na isyu ay tungkol sa franchise at labor na dapat harapin ng network at sana raw ay huwag itong daanin sa drama.

“I will be forever thankful to abscbn and to the people who really know me. Ang issue dito ay franchise at labor yun ang harapin natin wag natin daanin sa drama i already apologized pero kung gusto niyo pa walang problema sa akin we can run the whole marathon,” pagtatapos niya.

View this post on Instagram

God is great! Mam Sa lahat ng mas nakakakilala sa akin sa buong showbiz world lalo sa mga taga abs cbn batid nila ang aking pagtulong sa mga empleado nito lalo sa pangbili ng gamot , libing ng patay, utang na hindi mabayaran, papaopera ng anak na may butas sa puso etc etc Mam ethel pakitanong mo sa set ng sana dalawa ang puso kung sino ang kausap ko sa tent patungkol sa working conditions ng non regular employees ng abscbn walang iba kundi si mam gina lopez mahigit isang oras kami nag usap pati ang patungkol sa housing ng mga non regular employees. At sayo mam rocky Ubana batid ba ng mga boss mo sa abscbn na ikaw mismo sa panahon ko ay sub contractor ng tent? Magkano ang sueldo mo sa tao? Minimum ba? May overtime ba? Registrado ba yun agency mo? Alam ba ng Dole na may mga laborer ka na nagpupuyat at walang working hours? Ano ang mga benepisyo? Ang dahilan kung bakit ngayon ito dapat pag usapan dahil magrenew ng franchise ang abscbn ito ang tamang oras para magpakumbaba ang management sa kaniyang mga trabahador at makinig sa hinaing ng mga tao sa ground. Ganon po talaga mga mam ang negosasyon sa mga multi billion companies na may labor issue hindi ko naman po yan imbento may mga kaso po sa korte patungkol sa mga empleado ng abscbn at patungkol naman sa mga artista na kamag anak ko maraming salamat po sa trabaho na naibigay niyo sa kanila Praise God pero hindi po sila ako at ako ay hindi sila may sarili silang mga isip at buhay they can join you in bashing me its their right. I will be forever thankful to abscbn and to the people who really know me. Ang issue dito ay franchise at labor yun ang harapin natin wag natin daanin sa drama i already apologized pero kung gusto niyo pa walang problema sa akin we can run the whole marathon.

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?