104

Feb 24, 2020 @ 18:09
By

Robin peke ang pagiging makabayan – mga netizen

Binanatan ng mga netizen ang pagdalo nina actors Robin Padilla at Phillip Salvador sa pagdinig sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN sa Senado nitong Lunes, Pebrero 24.

Anila, si Robin daw ang perpektong halimbawa ng pagiging pekeng makabayan.

“Robin Padilla is the perfect example of fake patriotism,” ani @tommy_f5.

“The audacity of robin padilla to act as a patriot represents the whole of duterte’s regime. Acting like everything the president is doing is for the benefit of the Filipino people when clearly it is otherwise

Pinapalabas din daw ni Robin na “poor employee treatment” kaya pinapasara ang ABS-CBN pero lumabas sa pagdinig ang katotohanan na tinutulak ito dahil sa paghihiganti ng Pangulo,” sabi naman ni @dannnnnnnyp.

“Robin Padilla wearing our national colors. Ugh. Him and his skewed sense of nationalism,” wika ni @iggymanzanow.

Pinapalabas daw kasi ni Robin na dapat lang maisara ang ABS-CBN dahil sa “poor employee treatment” pero sa nangyaring pagdinig, sinabi mismo ng Securities and Exchange Commission na walang violation

ang ABS-CBN.

Ayon naman sa National Telecommunications Commission ay walang mga kaso ang TV network habang nilinaw ng Bureau of Internal Revenue na nagbabayad ng buwis ang ABS-CBN.

Hayagan namang sinabi ni ABS-CBN CEO for Broadcast Cor Vidanes na hindi totoo na walang benepisyo ang mga empleyado ng TV network dahil “lahat po sila may benepisyo po above the mandated benefits of the government.”

Kaya nagmukha raw tanga si Robin sa nasaksihan.

“Robin Padilla claims that it is only proper to have an @ABSCBN shutdown on the grounds of poor employee treatment but the truth is that the shutdown is being pushed for reasons of personal grudges and biases – which Bong Go has unwittingly disclosed. Thank goodness he is stupid,” sabi ni @SheolStatic.

“Mukhang tanga lang! Wag mo nang papasukin asawa mo sa Its Showtime nakakahiya ka ugok!” ani @migueliamrebel.

“I really liked how Senator Lapid subtly burned Robin Padilla earlier. Ano Robin???? Nasan na angas mo Animal!!!!” dagdag pa ni @mackie_bekie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?