154

Feb 18, 2020 @ 21:05
By

Robin, papipiliin ang anak kung sa US o ‘Pinas ang gusto

May dugo mang Amerikano, Chinese at Spanish ang aktor na si Robin Padilla, mas pinili pa rin niyang maging Pilipino ang kanyang pagkamamamayan.

Gayunpaman, binibigyan pa rin niya ng karapatan ang kanyang mga anak sa asawang si Mariel Rodriguez na mamili ng gusto nilang citizenship. Ang kanilang anak na si Maria Isabela at Maria Gabriela ay parehong Filipino-american or dual citizenship.

Aniya, “I have native american blood in my veins kaya all my kids with an american are all american citizens but it does not mean i want to be an american. We are just giving our children their birth right of choice.”

Ipinaliwanag niya ito matapos ipahayag ang opinyon sa kasalukuyang isyu ng Visiting force agreement ang actor na si Robin Padilla. Ito ay matapos opisyal na i-terminate ang VFA sa United States of America ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?