128

By

Robin Padilla ipokrito – mga netizen

Binanatan ng mga netizen si Robin Padilla dahil sa social media post nito na tila pabor siya sa hinaing quo warranto case ni Solicitor General Jose Calida laban sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon sa post ni Robin na burado na, ang batas umano ay walang tinitingnan at ang lahat ay dapat managot dito.

“Mayaman o mahirap may kapangyarihan o wala sikat man o hindi ang lahat dapat ay pantay-pantay sa harap ng batas dahil ang hustisya ay walang tinitignan o tinititigan ang mali ay mali at ang tama ay tama walang maybe o exempted ang lahat ay mananagot kapag lumabag sa batas,” saad sa post ni Robin.

“Panay na nga ang labag natin sa batas ng Dios napakapambihira naman kung pati batas ng tao lalabag pa rin tayo. Anong klase na tayong tao at lahi… Mga kababayan kahit na sino kahit kaibigan ko kapatid ko kapamilya ko at kamag anak ko kapag lumabag ka sa batas, dapat kang magbayad sa batas dahil ako nagbayad ako ng tatlong taon sa loob ng kulungan/piitan/bilibid dahil nagbayad ako sa kasalanan ko. Ano bang kinakatakot natin para sa ABS-CBN?” giit pa ng aktor.

Ayon sa mga netizen, hindi raw masisisi si Robin na suportahan ang administrasyon dahil ito ang nagbigay sa kanya ng executive clemency sa convicted crime.

Ipokrito raw ito dahil sinasabing dapat sumunod sa batas habang siya ang nagba-bypass nito para sa sarili niyang kapakanan.

Ang ABS-CBN din daw ang nagbigay dito ng ikalawang pagkakataon para makabalik sa showbiz habang ang mga kapamilya niya ay nagtatrabaho rin sa TV network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?