626

By

Robin niregaluhan ng mamahaling van si Daniel Padilla

Sharing is caring!

Abot-abot ang pasasalamat ni actress-TV host Karla Estrada kay Robin Padilla.

Ayon sa revelation ni Karla sa Pep, sinabi nitong binigyan ni Robin ng mamahaling regalo ang anak niyang si Daniel Padilla.

Ang regalo ni Binoe sa kanyang pamangkin ay isang Starex van na nagkakahalaga ng P600,000 noong nagsisimula pa lang umano ang career ni Daniel.

Ito umano ang kauna-unahang sasakyan ni Daniel.

“Si Robin ang unang nagbigay ng sasakyan kay Daniel. Starex na binili ko… Walang check si Robin binigay, sulat-kamay lang. Tapos winithdraw ko yung PHP600,000 para ibili na yung sasakyan ni Daniel kasi sabi ko [kay Robin], Tol, magsisimula na pamangkin mo [sa showbiz],” kuwento ni Karla. IS

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?