221

By

Robin dumepensa sa kapwa aktor na sumama sa Russian trip ni Duterte: Mukha ba kaming walang pera?

Napikon at pinagtanggol ni Robin Padilla ang kapwa niya mga celebrity na sumama sa limang araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia matapos akusahan ang mga ito ng paggamit sa pondo ng gobyerno.

Sa video na ibinahagi sa Facebook account ni Philip Ipe Salvador, dinepensa ni Binoe sina Cesar Montano, Moymoy Palaboy at una.

“Kailangan kong ipagtanggol ‘yung mga kaibigan ko. Nagbabasa ako kanina, may mga nakikita ako diyan, binabanatan niyo si Kuya Ipe, si Cesar Montano at si Moymoy, bakit sila nasa Russia,” panimula ni Padilla.

Giniit ni Padilla na hindi nagpalibre sina Cesar, Philip at Moymoy sa naturang biyahe.

“At kung sasabihin po ng mga bumabatikos na ito na ‘yung mga kaibigan ay binili, nilibre ng pamasahe, hindi po totoo ‘yan. Kami ang bumibili ng pamasahe po namin. Ang mga hotel namin, ang nagbabayad niyan, kami,” ani Padilla.

“Mukha ba kaming walang pera?” Pambihara naman kayo. May pera po kami at ‘yung perang ‘yan ay gift sa amin ‘yan ng mga taong sumusuporta sa amin,” dagdag pa niya.

Pinunto rin niya na kapag sumasama sila kay Pangulong Duterte para mag-entertain ng Filipino community nang walang bayad o talent fees.

“Nagpupunta kami, sumasama kami kay Presidente, hindi dahil sa kung anu-anong official business. Sumasama kami dahil para sa mga Pilipino, tandaan niyo po ‘yan. Ini-entertain namin ang mga Pilipino na walang bayad. Naintindihan niyo ‘yun?” aniya pa.

“Yung mga bumabatikos, kayo ba nagbabayad ng tax? Bago niyo tirahin si Kuya Ipe, bago niyo tirahin si Cesar, bago niyo tirahin si Moymoy at mga ibang artista, maglabasan nga tayo kung magkano ibinabayad natin sa tax? Hinahamon ko kayo,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?