223
Robin at Mariel bumili ng bagong sasakyan
By

Robin at Mariel bumili ng bagong sasakyan

Ibinahagi ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa social media ang bagong bili nilang sasakyan para kay Isabella.

Batay sa Instagram post ni Mariel, binili nila ay Hyundai H350, na isang 4-door van.

Kapwa ishinare nina Robin at Mariel sa kani-kanilang IG ang clip habang minamaneho ni Robin ang naturang van katabi sa passenger seat si Mariel.

“I WANT TO GO ON A ROAD TRIP!!!!! I like big cars. I like being able to walk inside the car. So we finally found the perfect one Hyundai H350!!! It’s soooo spacious i love it!!! Horay for Isabella’s new car!!!” saad ni Mariel sa caption.

“God is great! Maraming salamat po o aming nag iisang Panginoong Maylikha sa blessing na ito,” sabi naman ni Robin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?