48

By

Robert Pattinson bilang bagong Batman pinasilip!

Sa wakas ay nasilayan na si dating Twilight star na si Robert Pattinson bilang bagong Batman.

Sa teaser na pinakita ng Batman director na si Matt Reeves, makikita si Pattinson suot ang Batman suit na paniguradong aabangan ng mga DC fan.

Makakasama nito sa pelikula sina Zoe Kravitz bilang Catwoman, Colin Farrell bilang Penguin at Paul Dano bilang Riddler.

Inaasahang lumabas sa mga sinehan ang Batman sa June 25, 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?