65

By

Robert Pattinson bagong ‘Batman’

Matapos maging bampira sa ‘Twilight’ series, transform naman bilang ‘paniki’ si Robert Pattinson.

Sa report ng Hollywood-site na Variety, napipisil na maging bagong Batman si Pattinson na may theatrical release date na June 25,2021.

Hindi pa nagsasalita ang Warner Bros ukol dito ngunit inaasahan na malapit na itong kumpirmahin ng production house.

Ang magiging bagong direktor para sa Batman ay si Matt Reeves, na nakilala sa “Planet of the Apes” sequel. Kanyang pinalitan si Ben Affleck na naging actor at director sa nakaraang Batman.

Samantala, si Pattinson naman ay may isang pelikula pa para sa Warner Bros na inaasahang ipalabas sa Hulyo 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?