34
RMSC, PhilSports muling nagbukas para sa national athletes
By

RMSC, PhilSports muling nagbukas para sa national athletes

Binuksan na ulit ng Philippine Sports Commission matapos ang tatlong buwan na pagsasaayos ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PhilSports Complex sa Pasig para tuluyan ng mga national athlete mula sa 10 sports.

Ibinahagi ni Dormitory Head Rocelle Destura na ang mga national athlete mula sa NSA kagaya ng weightlifting at wrestling (women) ay kasalukuyan ng tumutuloy sa RMSC samantalang handa na ring tuluyan sa PhilSports ang mga athlete ng fencing, karatedo at muay thai.

“Preparations of rooms for sepak takraw, softball, pencak silat, wushu and baseball athletes are also ongoing as they finalize the compliance needed for lodging,” wika ni Destura.

Tiniyak naman ni ni PSC Chairman Butch Ramirez ang kanyang mga pangako kung saan sila rin ang nagbayad ng renta ng training venues para sa mga ito.

“We covered expenses for their temporary housing like rentals of condo or apartment units for the team,” sabi ni Ramirez.

Aabot pa sa Agosto hanggang Setyembre ang kabuuang kaayusan ng mga dormitoryo kaya naman iilan palang ang maaaring magamit rito.

“A big part of being an athlete is discipline, so let us start with keeping our accommodations clean,” giit pa ni Ramirez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?