21

By

RM ng BTS nag-donate para sa mga bingi

Nasa ₩100 milyon o P4.4 milyon ang dinonate ng BTS member na si RM o Kim Nam-joon sa Seoul Samsung School para umano mapakinabangan ng mga hearing impaired.

“RM conveyed his wishes to enjoy music in a variety of ways together with students who have auditory difficulties. We plan to use the donation to maximize music education and participation in artistic performances available for students who are impaired,” saad ng paaralan.

Setyembre 12 nang tahimik na mag-donate ang Korean rapper, kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-25 kaarawan.

Isa sa mga nangungunang special eduacation school sa Korea ang Seoul Samsung School. Nagtuturo ito ng music education sa mga mag-aaral na hearing impaired.

Kabilang sa pitong miyembro ng BTS si RM, kasama sina Jungkook, Jimin, V, Suga, Jin, at J-Hope.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?