29

Mar 26, 2020 @ 8:01
By

Rizal governor positibo sa COVID-19

Nahawa sa COVID-19 ang gobernador ng Lalawigan ng Rizal na si Rebecca “Nini” Ynares, ayon sa kanyang anak.

“Sa amin pong palagay, nakuha ni Governor Nini ang virus dahil sa patuloy niyang pag-ikot at araw-araw na pagharap sa madaming mga kababayan natin,” wika ni dating Antipolo Mayor Junjun Ynares.

Naka-quarantine na aniya ang gobernador at stable ang lagay. Naka-quarantine din ang asawa nitong si dating Rizal Governor Ito Ynares.

Ayon sa isang ulat, kabilang sa mga nakasalamuha ni Nini si Antipolo Mayor Andeng Ynares, na asawa ni Junjun.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?