85
dead-body
By

Rider ng motorsiklo nahagip ng bus, patay

Binawian ng buhay ang isang motorcycle rider makaraang matangay ng isang bus sa national highway sa Isabela kahapon.

Kinilala ni Isabela police spokesperson Senior Inspector Francis Littaua ang biktima na si John Denver Ramirez, 36-anyos na nakatira sa Callao, Alicia, Isabela.

Ayon sa mga imbestigador, si Ramirez ay nagmamaneho sa national highway nang bigla itong sumalpok sa road barrier bago ito mahagip ng pasalubong na bus bandang alas-11:20 ng gabi.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang bus driver na kinilalang si Gerome Rillon, 43-anyos na taga-Dipintin, Maddela, Quirino.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property si Rillon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?