167

Ricky Reyes pinuri, binatikos ng mga netizen

Trending ngayon si celebrity hairstylist Ricky Reyes dahil sa kanyang komentong hindi na kailangan ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality Bill sa bansa.

“Nirerespeto kita bilang tao, nirerespeto kita bilang bading, pero lumugar tayo,” ang sey ni Reyes sa isang video na pinost ni Timmy Basil sa Youtube.

“Let it be na lang,” saad nito. “Ang bakla, gilingin mo man ‘yan, ang labas niyan baklang hamburger.”

Umani si Reyes ng reaksiyon sa magkaibang panig ng nasabing isyu.

“Ricky Reyes lost in a discrimation case filed by his employee because he got cut off from work for being PLHIV. So now wonder he’s fcking scared of SOGIE Bill dahil siya unang unang makukulong under this new law. He’s rich and privileged kaya walang pake yan sa kapwa niya bakla,” saad ni @zachthebulldog .

“ricky reYES to ricky reNO, canceledtttt kana,” sabi ni @Ashleyolazo_ .

“Nabuhay si Ricky Reyes sa panahong OK lang bugbugin ang bakla, ilublob sa drum ng tubig. Dahil nakaangat siya sa buhay, akala niya, OK na ang mga beks. Kaya gusto niyang “lumugar” ang bakla sa gilid, OK lang may bakla basta’t nasa gilid-gilid. Hindi lahat ng icon ay iconic,” saad naman ni @JerryGracio .

“Sa lahat ng bakla si mother ricky Reyes Lang gusto ko,” ayon naman kay Flores MJ.

“Iyak na ang mga Pro Sogie Bill. Kay Gandang Ricky Reyes kami kaysa Kay Vice Ganda #NotoSogieBill,” ang sey ni @JeffreyOsbornn .

“Oh ayan sa makaka intindi lang at kung ang utak mo hindi pa bumaba sa kepay kepayan mo! at sa mga matatalinong nasa pwesto na nakikisawsaw na rin na ang utak at kulangot naghalo na ata panoorin at pakinggan nyo to. Mabuti pa si fairy god mother Ricky Reyes alam saan lulugar (emoji: dalawang natatawang mukha),” himutok naman ni Nixau Wachu.

“Why Ricky Reyes spoke those strong statements?Because he grew up in an era when reality & facts were the basis of decisions. An era when people were taught to be responsible for their chosen paths. An era when playing the victim wasn’t a handy escape from the truth.#NoToSogieBill,” saad ni @gaaaaaaaaabbbb .

Noong 2016, binalitang natalo si Reyes sa kasong laban sa isang hairdresser na pinag-resign nito matapos malamang positibo ito sa human immunodeficiency virus.

Hinatulan ng National Labor Relations Commission (NLRC) si Reyes na guilty sa mga kasong discrimination at unlawful termination.

Inutusan ng NLRC si Reyes na pabalikin sa dating trabaho ang empleyadong si Renato Nocos at bayarin ito nang higit P615,000 sweldo, benepisyo, at iba pang work pay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?