133

By

Richard, Raymond nag-birthday sa Indonesia

Ang Gutierrez twins na sina Richard at Raymond Gutierrez ay nasa Bali, Indonesia ngayon.

Sa lugar na ‘yon nag-celebrate ng kanilang 36th ang kambal.

Kasama ni Richard ang mag-iina niyang sina Sarah Lahbati, Zion at Kai.

Kasama rin nila ang ilang friends.

Kuwento ni Sarah, may birthday eve dinner set-up sa villa na tinuluyan nila sina Richard at Raymond.

Noong Tuesday naman ay sa isang restaurant ang birthday dinner ng twins. Masaya raw ang bonding nila doon.

Parang ‘yun na rin ang pinaka-bonding nina Richard at Raymond bago ang kasal ng una at ni Sarah on March 4.

This weekend, sa family bonding nila, magkakaroon ng birthday dinner ang twins with their parents Eddie Gutierrez and Annabelle Rama, their Ate Ruffa, Kuya Elvis at iba pang mga kapamilya.

View this post on Instagram

Cheers from the birthday boys 😄

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz) on

View this post on Instagram

Aquarius Szn 💦🎂

A post shared by Mond (@mond) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?