69

By

Rice Tariffication Law mas malala pa sa Yolanda – grupo

Kung pagbabasehan ang pinsala sa kabuhayan ng mga rice farmer, mas malala pa ang dinulot ng Rice Tariffication Law (RTL) kaysa supertyphoon Yolanda, ayon sa alyansa ng mga farmer group at mga advocate.

Dahil sa pagbaha ng mga inangkat na bigas sa bansa, aabot anila sa P140 bilyon o P30,000 kada ektarya ang kabuuang kawalan sa mga magsasaka ng palay ngayong taong 2019.

“This is more than 10 times the damage wrought by Typhoon Yolanda to the agriculture sector in 2013, and it is all man-made,” saad ng alyansa sa isang manifesto sa Facebook.

Pinalala umano ng RTL ang nararanasang socio-economic at humanitarian crisis sa mga mahihirap na probinsya, kaya ginigiit nila ang agarang suspensyon ng nasabing batas at comprehensive review ng mga epekto nito sa industriya ng bigas.

Nagkasa rin sila kahapon, Nobyembre 20, ng pagkilos upang tutulan ang pag-angkat ng bigas at hikayatin ang mga mamamayan na direktang bumili ng local rice sa mga Filipino rice farmer o mga kooperatiba ng huli.

Hinikayat din nila si Pangulong Rodrigo Duterte na panindigan ang pangakong alisin ang mga Pilipino sa kahirapan at protektahan ang 2.1 milyong magsasaka sa bansa.

Ilan sa 37 grupo at tagasuportang lumagda ng November 18 manifesto ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Federation of Free Farmers, Bantay Bigas, Rice Watch Action Network, at National Movement for Food Sovereignty.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?