118

By

Revenue bills pokus ng Kamara pero ikokonsidera ang ABS-CBN franchise renewal

Ikokonsidera ng House of Representatives ang iminumungkahing pagpapalawig ng legislative franchise ng ABS-CBN.

Ito’y sa kabila ng pagpopokus ng Kamara sa pagsasabatas ng mga importanteng revenue measure.

Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, may kalayaan umano ang House Committee on Legislative Franchise na magsagawa ng mga pagdinig hinggil sa ilang panukalang magbibigay-buhay sa ABS-CBN franchise sandaling mag-expire ito sa March 20, 2020.

Sa kabila din aniya ng isyu kaugnay ng journalistic fairness ng naturang network, tiniyak ni Cayetano na magiging patas ang mababang kapulungan sa pag-aksyon sa sinasabing franchise extension.

Gayunpaman, sinabi ni Cayetano na mananatiling pokus pa rin ang Kongreso sa kanilang mga prayoridad lalo na’t na-dispose na ang panukalang General Appropriations Act para sa taong 2020.

“Pero iyong priority at focus natin ay iyong revenue bills para mabayaran ang magagandang programa ng gobyerno at iyong budget. That’s the reality there but we will get to it,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?