745
Resume ng netizen na nag-aaplay maging GF ni Vico Sotto, nag-viral
Aug 28, 2019 @ 16:56
By

Resume ng netizen na nag-aaplay maging GF ni Vico Sotto, nag-viral

Ikinatuwa ng madla ang paggawa ng “resume” ng isang netizen bilang tugon sa biro ni Pasig Mayor Vico Sotto na tumatanggap na ito ng mga application para maging girlfriend niya.

Isang netizen na si Hettianne Gamel ang gumawa ng personalized niyang resume at itinag si Sotto sa kanyang Facebook post.

“Mayor Vico Sotto ready na po resume ko, kayo po ba ready na po ba kayong tanggapin ako,” saad ni Gamel sa post.

Benta ito sa mga netizen at sa kasalukuyan ay mayroon na itong 55,000 likes; 1,600 comments at 24,000 shares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?